Compositor: Bien Lumbera / Nonong Pedero
Nung unang panahon
Ang langit at lupa'y
Magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Kapag sa banga
Ni butil ay wala
Ang gubat at ilog
May handang biyaya
Nung unang panahon
Ang sikat ng araw
Ay nagpapalago
Sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon
Kay init ng darang
Ilog tinutuyo
Parang tinitigang
Nung unang panahon
Ang patak ng ulan
Pinasasariwa
Dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit
May hanging kasabay
May bahang kasunod
Na nakamamatay
Nung unang panahon
Ang puso ng tao'y
Marunong magmahal
Hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y
Laang makisalo
Layo'y pumayapa
At hindi manggulo
Pati na ang langit
Na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo
Sa ulilang lupa
Bathala gumising
Tuyuin ang luha
Ng nananawagan
At nagpapaawa
Nung unang panahon
Ang langit at lupa'y
Magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Bathala gumising
Tuyuin ang luha
Ng nananawagan
At nagpapaawa
Nung unang panahon
Nung unang panahon
Nung unang panahon